Nananatiling normal ang lebel ng tubig sa Marikina River ngayong umaga ng Martes, July 23.
Ito’y kasunod na rin ng pabugso-bugsong ulan na naranasan sa lugar sa nakalipas na magdamag bunsod ng bagyong Carina.
Gayunman, sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas ay wala pa ring naitalang pagbaha sa alinmang panig ng lungsod.
Una nang sinabi ng Marikina LGU na ang pananatiling mababa ng lebel ng tubig sa Marikina River ay dahil sa tuloy-tuloy na dredging activities doon.
Patuloy namang nakabantay ang Marikina LGU, Marikina City Rescue.161, at Marikina CDRRMO sa pinakahuling sitwasyon.
Samantala, wala namang anunsyo ang pamahalaang lungsod hinggil sa suspensyon ng klase sa mga paaralan sa kanilang lugar. | ulat ni Jaymark Dagala