Ligtas na pagbiyahe ng mga lokal at dayuhang turista, itinutulak ng DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng Department of Transportation (DOTr) ang mga adhikain ng Tourist Vehicle and Travel Association of the Philippines (TVTAP).

Ito’y para tiyakin na magiging ligtas ang pagbiyahe ng mga lokal at dayuhang turista sa iba’t ibang destinasyon sa bansa.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, malaki ang maitutulong ng TVTAP para bigyan ng kumportable at ligtas na biyahe ang mga turista.

Ipinangako rin ng Transportation chief na katuwang sila ng TVTAP upang tiyaking maayos ang kanilang operasyon.

Kasunod nito, hinimok ni Bautista ang grupo na iparehistro ang kanilang modernized vehicles sa Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us