LTO Chief, nangakong tutulungan ang mga tanggapan nito na naapektuhan ng kalamidad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ininspeksyon na ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza ang ilang tanggapan ng ahensya na naapektuhan ng pagbaha dulot ng bagyong Carina at Habagat.

Kabilang ang LTO Cainta Extension Office sa Rizal na nalubog sa tubig baha.

Nangako si Mendoza na magbibigay ng suporta para mapabilis ang pagbabalik ng normal na operasyon ng mga apektadong tanggapan.

Bukod sa Cainta Extension Office, binisita din ni Mendoza ang LTO Offices sa San Mateo sa Rizal.

Pinayuhan din ng LTO Chief ang lahat ng Regional Directors at District Office Heads, na maging maluwag sa mga tauhan ng ahensya na lubhang naapektuhan ng kalamidad.

Ipinag-utos nito ang accounting sa lahat ng apektadong personnel para mabigyan ng tulong. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us