Inatasan na ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Vigor Mendoza II ang lahat ng Regional Directors at District Office head na makipag-tulungan sa local government units para magbigay ng assistance sa pagbubukas ng klase bukas.
Ayon kay Mendoza, titiyakin ng LTO na gawing maayos ang daloy ng trapiko at ang pagsunod ng motorista sa kagandahang-loob at disiplina sa kalsada.
Mahigpit din ang utos ni Mendoza na tingnan ang road worthiness ng mga school service sa tulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Bukod dito, babatayan din ang mga tricycle at iba pang motor vehicles na nagsasakay ng mga estudente ng higit sa kapasidad.
Bagama’t may ilang paaralan ang ipinagpaliban ang pagbubukas ng klase dahil sa epekto ng bagyong “Carina,” karamihan ay itutuloy bukas batay sa iskedyul na inilabas ng Department of Education (DepEd).| ulat ni Rey Ferrer