Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkakaroon ng maayos na koordinasyon sa mga komunidad na malapit sa mga dam bago magpakawala ng tubig ang mga ito.
Sa gitna pa rin ito ng epekto ng bagyong Carina.
Sa ganitong paraan, ayon sa Pangulo, matitiyak ang kaligtasan ng mga residente sa mga lugar malapit sa dam.
“We will also ensure proper coordination before releasing water from dams to protect people from downstream impacts.” —Pangulong Marcos.
Kaugnay nito, inatasan na ni Pangulong Marcos ang local government units (LGUs) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang i-evacuate ang mga residenteng maaapekhan pa ng bagyo.
Habang pinasisuguro na rin ng Pangulo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang patuloy na pagpapaabot ng pagkain, masisilungan, at assistance sa mga nangangailangan.
“I have directed immediate coordination with LGUs and NDRRMC to evacuate communities affected by 𝘛𝘺𝘱𝘩𝘰𝘰𝘯 𝘊𝘢𝘳𝘪𝘯𝘢, while the DSWD continues to provide food, shelter, and assistance to those in need.” —Pangulong Marcos.
Mayroon aniyang sinusunod na standard operating procedure (SOP) ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan kaugnay sa pagtugon sa bagyo.
Dahil dito, handa ang gobyerno na ibigay ang kakailanganing suporta ng publiko.
“With our SOPs in place, we are fully prepared to support and ensure the safety and well-being of everyone.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan