Handa ang Department of Finance na pangasiwaan ang mga makabago at intergovernmental solutions para sa lahat ng modalities para sa climate finance, disaster financing, insurance at sustainable finance coordination.
Kabilang ito sa tinalakay sa isinagawang hybrid roundtable discussion ng Climate Finance Network (CFN).
Ang roundtable discussion ay pinangunahan ng DOF na naglalayong mas maayos na koordinasyon ng Pilipinas at mga development partners pagdating sa monitoring ng climate financing sa bansa.
Ang CFN ay pinondohan ng United Kingdom Foreign, Commonwealth and Development Office na siyang ipatutupad naman ng United Nations Development Programme o UNDP sa Pilipinas.
Bibigyang daan nito ang mas pinalakas na na implementasyon at maayos na paggasta ng pondo para sa climate change mitigation sa bansa.
Katuwang din ng DoF ang Department of Budget and Managemen at Cimate Change Commission sa mahigpit na pagpapatupad ng climate change expenditures. | ulat ni Melany V. Reyes