Inatasan ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista ang Philippine Ports Authority (PPA) na tiyaking maayos at mabilis na nakaraan ang mga produkto sa mga pantalan.
Ginawa ng DOTr ang pahayag kasunod na rin ng ika-50 anibersayo ng PPA kung saan, kinatawan si Bautista ni Undersecretary for Maritime Elmer Francisco Sarmiento.
Binigyang diin ng Transportation Chief na malaki ang maitutulong ng modernisasyon sa mga pantalan upang mabilis na makararaan ang mga produkto na siya namang makapagpapababa sa logistics cost.
Sa pamamagitan nito, agad maihahatid ang mga kinakailangang produkto sa merkado na siya rin namang makapag-aambag upang mapababa ang presyo nito.
Nabatid na kabilang ang PPA sa mga top performing Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC) matapos makapag-pasok ito ng nasa Php 5 bilyong piso sa government cash dividend na nasa 50 porsyentong mataas kumpara noong 2022. | ulat ni Jaymark Dagala