Mabilis na pagresolba sa kaso ng pagdukot at pagpatay sa 2 Chinese executives sa Camarines Sur, tiniyak ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan na ngayon ang pakikipag-ugnayan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Kidnapping Group (AKG) sa Embahada ng Tsina sa Pilipinas para sa mabilis na ikareresolba ng kaso ng pagdukot at pagpatay sa dalawang Chinese executives sa Camarines Sur

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, makaraang i-ulat nito na may binabantayan nang Persons of Interest (POI) ang AKG na siyang posibleng nasa likod ng krimen.

Batay sa inisyal na impormasyon, June 20 nang dumating sa Pilipinas ang dalawang Chinese executives na kinilalang sina Xia Kefu gayundin si Jimmy Sing Sun at matapos nito’y bigla na lamang silang naglaho.

Nakipag-ugnayan ang Kidnap for Ransom Group sa pamilya ng mga biktima na nasa China para humingi ng limang milyong Yuan subalit nasa tatlong milyong Yuan o katumbas ng ₱23-milyong piso ang naibigay sa kanila.

Makalipas ang isang linggo, natagpuan nang bangkay ang dalawang dayuhan sa bayan ng Sagnay at saka dinala sa isang punerarya sa Bayan ng Tigaon kung saan isinailalim ang mga iyon sa cremation.

Hinihintay na lamang ng Pulisya ang resulta ng isinagawang otopsiya sa labi ng dalawang dayuhan bago ito sunugin na siya namang ginagamit ngayon sa nagpapatuloy na imbestigasyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us