Magnificent 7, muling  nagpahayag ng suporta sa Public Utility Vehicle Modernization Program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng kanilang buong suporta ang Magnificent 7, ang pinakamalaking koalisyon ng mga transport group sa bansa, sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Ayon sa grupo, malaki na ang naitulong ng programa sa kanilang mga miyembro kabilang ang mga operator, driver, at iba pang manggagawa sa transportasyon.

Anila, marami na ang yumakap sa programa na ngayon ay nagtatamasa na ng biyaya mula sa PUVMP.

Kabilang sa mga benepisyong natanggap ng kanilang mga miyembro ay ang regular at incentive pay, social security, PAG-IBIG, at HMO.

Malaking tulong din ang calamity loan ng SSS at PAGIBIG para sa mga drayber na naapektuhan ng nagdaang Bagyong Carina.

Ayon sa DOTr, sa ilalim ng PUVMP, inaasahang magiging mas ligtas at maayos ang sistema ng transportasyon sa bansa. Layon din nitong magbigay ng moderno, komportable, at abot-kayang pampublikong sasakyan para sa mga pasahero. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us