Malaki ang pasasalamat ni Maguindanao del Norte with Cotabato City Representative Bai Dimple Mastura sa mabilis na tugon ng pamahalaan para magpaabot ng tulong sa mga binahang residente sa kanilang lalawigan.
Personal pang iniabot nina DSWD Sec. Rex Gatchalian at Special Assistant to the President (SAP) Sec. Anton Lagdameo ang ayuda sa bayan ng Matanog.
Giit ni Mastura, bilang kinatawan sa kongreso, tungkulin niyang umagapay sa mga nangangailangang kababayan.
Kaya naman patuloy aniya ang kanilang pakikipag ugnayan sa pamahalaang nasyunal upang maipaabot ang kinakailangang tulong sa mga naapektuhang residente.
Una nang ipinag utos niPangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na asistehan ng national government, katuwang ng BARMM government, ang mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha dahil sa Habagat. | ulat ni Kathleen Forbes