Maharlika Investment Corporation, miyembro na ng International Organization of Sovereign Wealth Funds

Facebook
Twitter
LinkedIn

Miyembro na ang kauna-unahang Maharlika Investment Corporation (MIC) sa mga bansang may Sovereign Wealth Fund ng International Organization of Sovereign Wealth Funds o IFSWF.

Ito ay matapos tanggapin ng international body ang aplikasyon ng Maharlika Investment Corporation noong July 11, 2024  dahil sa “willingness to endorse on voluntary basis” o ang Santiago Principles.

Ito ay ang katanggap-tanggap na panuntunan tungo sa epektibong operasyon ng sovereign wealth funds globally.

Binibigyang halaga din nito ang nararapat na pamamahala at accountability arrangement, at maayos na investment practices.

Ayon kay MIC President at CEO Rafael Consing Jr., ang membership ng MIC sa IFSWF ay magbibigay-daan sa pagtutulungan ng mga miyembrong bansa at financial leaders, sa mga global topic na nakakaapekto sa pamumuhunan ngayon.

Ayon pa kay Consing, entitled na ang MIC na makibahagi sa IFSWF Annual General Meeting na gaganapin sa Oman, Muscat sa darating na November 3 to 6. | ulat ni Melany Valdoz Reyes