Mahigit 100,000 titulo ng lupa, naipagkaloob sa mga magsasaka sa loob ng 2 taon ng Marcos Administration – DAR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng Department of Agrarian Reform (DAR) na aabot sa 137,000 titulo ng lupa ang naipamahagi sa mahigit 140,000 agrarian reform beneficiaries sa loob ng dalawang taon ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ay sumasaklaw sa 161,000 ektarya ng mga lupang sakahan.

Ayon kay Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, bukod sa mga titulo nakapagpatayo rin ang ahensya ng 219 na farm-to-market roads na nagkakahalaga ng P2.3 bilyon.

Nakatulong ang mga ito upang mapadali ang pagdadala ng mga produkto ng mga magsasaka sa pamilihan.

Natapos din ng DAR ang 116 na mga proyektong patubig na sumasaklaw sa 3,800 ektarya sa buong bansa na nagkakahalaga ng P1.3 bilyon.

Sa kasalukuyan, nasa 17 pang mga proyektong patubig ang isinasagawa ng DAR na sumasaklaw sa 1,000 ektarya na nagkakahalaga ng P284.6 milyon.

Sinabi naman ni Secretary Estrella, na namahagi rin ang DAR ng mahigit 5,000 units ng farm machineries and equipment para magamit ng mahigit 1,000 agrarian reform beneficiaries organizations sa buong bansa.

Layon nitong mas mapaunlad pa ang produksiyon ng mga magsasaka. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us