Mahigit 150 flights sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Manila International Airport Authority (MIAA) na kanselado pa rin ang nasa 148 biyahe ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula pa kahapon bunsod ng masamang lagay ng panahon.

Subalit nadagdagan pa ito ng limang biyahe ngayong araw dahil naman sa masamang lagay ng panahon sa destinasyon.

Kabilang sa mga nadagdag ay ang mga biyahe ng PAL Express Flight 2P 2196 at 2P 2197 mula Manila patungong Laoag at pabalik.

Gayundin ang biyahe ng Cebu Pacific Flight 5J 321 at 5J 322 mula Manila patungong Legazpi at pabalik at Flight 5J 464 mula Iloilo pabalik ng Manila.

Dahil dito, pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline para sa rebooking at refund ng kanilang mga ticket. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us