Magsasagawa ng kauna-unahang Jobs Fair ang Embahada ng India sa Pilipinas katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig
Batay sa inilabas na abiso, gagawin ang Jobs Fair sa 3rd flr ng Robinsons Metro East mula alas-9 ng umaga at tatagal ng alas-5 ng hapon
Aabot sa 2,500 trabaho na may mataas na suweldo ang alok sa naturang Jobs Fair.
Dahil dito, iniimbitahan din ang mga naghahanap ng trabaho gaya ng mga fresh graduate, experienced professional at career shifters.
May alok din na mga oportunidad para sa mga Person With Disability (PWD) gayundin ng upskilling ng mga manggagawa.
Payo ng Pasig LGU, sa mga aplikante, magdala ng maraming resume para sa mas malaking tiyansa na makahanap ng trabaho. | ulat ni Jaymark Dagala