Nagsimula na ngayong araw ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ng tig-₱5,000 tulong pinansyal sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng habagat na pinalakas ng Bagyong #CarinaPH.
Una nang nakatanggap ng tulong ang mga pamilyang pansamantalang nanirahan sa mga evacuation center sa Barangay Maybunga at Dela Paz.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, ang tulong pinansyal na ito ay dagdag sa mga naunang naibigay na relief goods at iba pang suporta mula sa lokal na pamahalaan.
Ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay magpapatuloy hanggang sa Biyernes, upang mabigyan ang lahat ng mga apektadong pamilya.
Magpapatupad din ang lokal na pamahalaan ng cash-for-work scheme kung saan ang mga apektadong pamilya ay maaaring tumulong sa clearing operations kapalit ng kaukulang bayad.| ulat ni Diane Lear