Walang patid ang clean up operations ng Metropolitan Manila Development Authhority (MMDA) sa mga lugar na naapektuhan ng habagat at Bagyong Carina.
Batay sa datos na inilabas ng MMDA, umabot sa 387 tonelada ng basura o katumbas ng 90 truck ang nakolekta ng mga tauhan ng Metro Parkway Clearing Group simula July 24 hanggang July 28.
Gamit ng MMDA ng kanilang mga heavy equipment para linisin ang mga putik at basura na iniwan ng bagyo.
Muli namang nanawagan naman ang ahensya sa publiko na itapon ang kanilang basura sa tamang lagayan upang hindi mapunta sa mga daluyan ng tubig na nagiging sanhi ng mga pagbaha. | ulat ni Diane Lear
📷 MMDA