Mahigit 30,000 indibiduwal sa Marikina City, inilikas dahil sa masamang panahon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang pagpapaabot ng tulong sa kanilang mga residenteng nabiktima ng pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulang dala ng hanging habagat na pinaigting ng bagyong Carina.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, aabot sa mahigit 5,000 pamilya o katumbas ng mahigit 30,000 indibiduwal ang inilikas dahil sa mga pagbaha.

Paliwanag ng alkalde, tumaas ang bilang ng mga inilikas dahil sa pagpapatupad nila ng force evacuation matapos umapaw ang Marikina River kahapon.

Bukod pa ito sa mga kusang lumikas at agad na nagtungo sa mga evacuation center bunsod ng mabilis na pagtaas ng tubig sa ilog.

Gayunman, inaasahan namang mababawasan na ngayon ang mga lumikas dahil sa unti-unti nang bumubuti ang lagay ng panahon.

Batay sa pinakahuling datos mula sa Marikina City Rescue 161, as of 7am ay nasa 15.4 meters na lamang ang lebel ng tubig sa ilog at inalis na ang alerto rito. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: PTV

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us