Mahigit 6,000 magsasaka ng niyog sa Caraga Region na apektado ng rhinoceros beetles, nabigyan ng interbensiyon ng PCA Caraga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matapos masira ang mga pananim na niyog sa Caraga Region dahil sa  pananalasa ng super typhoon Odette sa taong 2021, walang patid na tulong ang ibinahagi ng Philippine Coconut Authority PCA-Caraga upang ma-control ang paglaganap ng nakakasirang rhinoceros beetles, o mas kilala sa tawag na “bakukang”

Ang rhinoceros beetles ay dumarami sa mga nabubulok na mga natumbang puno ng niyog at nakitaan ito sa ibat ibang parte sa rehiyong Caraga na dinaanan ng nasabing bagyo.

Sinabi ni PCA Caraga Regional Manager Joel Oclarit, ang interbensiyon na ibinigay ng PCA Caraga ay ang paglalagay ng Green Muscardine Fungus o GMF sa mga nabubulok nang puno ng niyog upang patayin ang mga itlog ng Rhinoceros beetles kayat naiiwasan ang pagdami at paglaganap.

Ang GMF ay pinoprodyus sa PCA Laboratory sa Cabadbaran City, Agusan del Norte, na may kapasidad makapag prodyus ng 100 to 150 kilograms bawat buwan.

As of last month, 2,869 kilograms na ng GMF ang nailagay ng PCA Caraga sa 95,635 na mga nabubulok nang puno ng niyog sa 188 barangays sa buong rehiyon.

Natulungan ng ahensiya ang 6,889 coconut farmers. | ulat ni Jocelyn Morano | RP1 Butuan

📸 PCA Caraga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us