Aabot sa mahigit 6,000 pulis ang sinampahan ng kasong administratibo ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ang iniulat ngayon ni PNP-IAS Inspector General, Atty. Brigdo Dulay Jr. kung saan, nasa 6,526 na mga pulis ang inirekomendang patawan ng iba’t ibang parusa.
Sa naturang bilang, sinabi ni Dulay na nasa 2,551 ang nadesisyunan na ang kaso kung saan, 572 dito ang inirekomendang alisin sa serbisyo, 260 ang inirekomendang patawan ng demotion habang 1,418 ang inirekomendang patawan ng suspensyon.
Habang ang nalalabi naman ayon kay Dulay ay inirekomendang patawan ng mas magaan na parusa.
Nakitaan aniya ang mga pasaway na pulis ng iba’t ibang paglabag gaya ng:
Simple Misconduct
Simple Dishonesty
Simple Irregularity
Simple Neglect of Duty
Less Grave Neglect of Duty
Less Grave Misconduct
Conduct Unbecoming of Police Officer
Gross Incompetence
Gayundin ang iba pang paglabag gaya ng:
Grave Misconduct
Grave Dishonesty
Grave Irregularity
Grave Neglect of Duty
| ulat ni Jaymark Dagala