Mahigit 700 na mga paaralan, maaantala ang pagbubukas ng klase sa Lunes dahil sa epekto ng bagyong Carina — DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa 738 na mga paraalan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang maaantala ang pagbubukas ng klase sa Lunes, July 29, dahil sa epekto ng habagat at bagyong Carina.

Kabilang sa mga rehiyon, ang Region 3, Region 7, Cordillera Administrative Region, at National Capital Region.

Batay sa datos ng Department of Education (DepEd), mahigit 200 ang mga paaralan ang binaha habang mahigit 400 ang nagsilbing evacuation centers.

Sa kabuaan, pumalo sa mahigit 12,000 na mga paraalan sa 65 na mga division sa 10 rehiyon ang apektado ng pananalasa ng bagyo. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us