Mahigit 800 na mga paaralan sa buong bansa ang hindi nakasabay sa pagbubukas ng klase ngayong araw dahil sa epekto ng habagat at Bagyong Carina.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Education (DepEd), aabot sa 841 na mga paaralan ang apektado mula sa NCR, Region 1, Region 3, Region4-A, at Region 7.
Pinakamarami na ipinagpaliban ang pasukan sa Region 3 na may 452 na paaralan, sinundan ito ng NCR na may 225 na paaralan, Region 1 na may 95 na paaralan, Region 4-A na may 66 na paaralan, at Region 7 na may tatlong paaralan.
Kanina, binisita rin si Education Secretary Sonny Angara ang ilang paaralan sa Muntinlupa City at Carmona, Cavite upang makita ang kahandaan sa pagbubukas ng klase ngayong araw. | ulat ni Diane Lear