Mahigit 90 paaralan, maaantala ang pasukan sa Lunes – DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit 90 mga paaralan ang hindi makapagbubukas ng klase sa Lunes, July 29, 2024.

Ito ang sinabi ni Education Secretary Sonny Angara sa isang ambush interview sa Pasig City, ngayong araw.

Ayon kay Secretary Angara, ang nasabing mga paaralan ay nagtamo ng pinsala dahil sa bagyo at habagat.

Posible pang madagdagan ang bilang na ito dahil patuloy pa ang pagsusumite ng mga ulat ukol sa mga napinsalang paaralan.

Photo courtesy of DepEd Secretary Sonny Angara

Kabilang sa mga maaantala ang pasukan ay ang Malabon na gagawin sa July 31 at Valenzuela na gagawin sa August 5.

Dagdag ng kalihim, kabilang sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng sama ng panahon at nagtamo ng maraming pinsala sa mga paaralan sa NCR, Region 4, at Region 3.

Samantala, batay sa tala ng Department of Education (DepEd), umabot na sa 18.3 milyon ang bilang ng mga mag-aaral na nakapagpatala para sa School Year 2024-2025.

Kabilang dito ang mga nagpatala na sa elementary, junior high school, senior high school, at alternative learning system.

Pinakamaraming nagpatala sa Region 4A na umabot sa 2.8 milyong mag-aaral, kasunod ang Region 3 na may 2.1 milyon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us