Mahigit P1-M halaga ng high-grade marijuana mula sa mga abandonadong parcel, nasabat ng BOC at NAIA-IADITG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa mahigit P1 milyon ang halaga ng high-grade marijuana na nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at NAIA-Inter Agency Drugs Interdiction Task Group (IADITG) mula sa anim na abandonadong parcel sa Central Mail Exchange Center sa Domestic Road, Pasay City.

Ang mga parcel ay nagmula sa iba’t ibang sender mula Amerika na idineklarang naglalaman ng mga damit tulad ng shirts, sweaters, at windbreakers, at naka-consignee sa iba’t ibang indibidwal na residente ng Biñan, Laguna.

Umabot sa 1.026 grams ang nakumpiskang high-grade marijuana o kush, na tinatayang nagkakahalaga ng ₱1,436,400.

Ang mga nasabat na droga ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng NAIA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us