Mahigit P70-M halaga ng tulong, naipamahagi na ng DSWD sa mga pamilyang apektado ng bagyong Carina

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakapagbigay na ang ahensya ng mahigit P70 milyong halaga ng tulong sa mga pamilya at indibidwal na naapektuhan ng habagat na pinalakas ng bagyong Carina.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary at Spokesperson Irene Dumlao, kabilang sa mga naipamahagi ay mga family food packs, family kits, hygiene kits, laminated sacks, kitchen kits, at iba pang relief items.

Batay sa datos ng DSWD, mayroong mahigit 400,000 na pamilya o katumbas ng mahigit 1.5 milyon na indibidwal sa halos 2,000 mga barangay sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang apektado.

Kaugnay nito, aabot sa mahigit 42,00 na kahon ng family food packs ang naipamahagi na ng DSWD sa Calabarzon habang nasa 4,000 hanggang 10,000 ang ipapadala pa sa ibang rehiyon sa susunod na mga araw.

Maliban sa mga food and non-food items, tumanggap ng financial assistance ang aabot sa 20,000 indibidwal mula CALABARZON at Cordillera Administrative Region. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us