Malaking pagbaba ng bilang ng barko ng China sa mga kontroladong isla ng Pilipinas sa WPS, naobserbahan ng PH Navy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumaba ang bilang ng mga barko ng China na na-monitor ng Philippine Navy sa mga islang kontrolado ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Phil. Navy Spokesperson for the WPS, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, 95 barko ng China ang namataan sa mga nabanggit na lugar mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 1.

Malaki aniya ang ibinaba nito mula sa 129 na Chinese vessels na na-monitor mula Hunyo 18 hanggang Hunyo 24.

Sa 95 barko ng China na na-monitor noong nagdaang linggo, pinakamarami ang na-monitor sa bisinidad ng Pag-asa island na nasa 22, na binubuo ng 20 Chinese Maritime Militia vessel (CMMV) at tig-isang Chinese Coast Guard Vessel (CCGV) at People’s Liberation Army Navy (PLAN) vessel.

Kasunod dito ang Ayungin Shoal at Julian Felipe Reef na may tig-20 barko ng China; Bajo de Masinloc, na may 14; Panata island na may 8; Sabina Shoal na may 6; Recto Bank na may 4; at Parola island na may isa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us