Mapalla Ferry System Project, tuloy ang larga — DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy na ang usad ng planong Manila Bay-Pasig River-Laguna Lake Ferry System (MAPALLA) Ferry System Project ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay Transportation Undersecretary Timothy John Batan, nakikipagtulungan na sila ngayon sa Public-Private Partnership (PPP) Center para sa mabilis na paglarga ng proyekto na inaasahang maghahatid ng panibagong opsyon ng transportasyon sa mga commuter sa Metro Manila, Cavite, at Laguna.

Kasama sa plano ang pag-mobilize ng ₱15-bilyon hanggang ₱20-bilyong pondo para sa MAPALLA Mega Project na target gawing electric ferry fleet, na may multiple stations.

Kabilang aniya sa modelo ng proyekto ang Chao Phraya River Ferry System sa Bangkok, Thailand at New York Ferry System sa New York City.

“This will not be a touristic ferry system. When you talk about ferry there is touristic and there’s a commuter. This is going to be commuter. This is something commuters can use on a daily basis to get to and from their places of work,” ani Batan.

Sa ngayon, nasa project preparation stage na ang MAPALLA Ferry System Project.

Target na masimulan ang operasyon nito sa taong 2027. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us