Marcos administration, ginagawa ang lahat para maging globally competitive ang turismo sa Pilipinas — DOT Sec. Frasco

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Tourism Secretary Christina Frasco sa mga tourism stakeholders partikular ang mga nagmula sa private sector na ginagawa lahat ng Marcos administration ang lahat para maging competitive sa buong mundo ang turismo ng Pilipinas.

Sa ginawang ceremonial signing para sa Memorandum of Understanding sa pagtatayo ng kauna-unahang Tourism First Aid Facility sa bansa, sinabi ni Frasco na alam ng kasalukuyang administrasyon na kapag pinangalagaan ang seguridad at kalagayan ng isang turista ito ay magreresulta sa longer staying tourists, repeat visits, at mas maraming economic opportunities, livelihood, at kita para sa mga Filipinos at mga negosyo na nakadepende sa tourism industry.

Mahalaga din aniya ang pag-iinvest sa tourist convenience at safety para matiyak na magtutuloy-tuloy ang momentum ng paglago ng turismo sa Pilipinas.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us