Marikina City Health Office, inatasan ng LGU na mamahagi ng doxycline para sa mga residenteng apektado ng pagbaha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang kanilang Health Office para mamahagi ng doxycline sa para sa mga residenteng apektado ng naging pagbaha dulot ng habagat at bagyong Carina.

Ito’y para magamit na pangontra ng mga apektadong residente sa mga sakit na nakukuha sa baha gaya ng alipunga at iba pa.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa Brgy. Tumana, inamin ng ilang mga residente rito na tinatamaan na sila ng alipunga bunsod na rin ng matagal na pagkakababad sa baha.

Nagsimula lamang anila sa simpleng pangangati na lumalala kapag kinamot hanggang sa magsugat na at tuluyang kumalat ang impeksyon.

Maliban naman sa alipunga, nababahala rin ang mga residente sa iba pang sakit na nakukuha sa paglusong sa baha gaya na lamang ng leptospirosis na nagmula naman sa ihi ng daga.

Kaya naman, nakikiramdam ang mga residente rito lalo na iyong nakararanas ng sintomas gaya ng lagnat, pamumula ng mata, pananakit ng tiyan, pagdudumi, at pagsusuka.

Samantala, tuloy-tuloy ang clearing operations sa Marikina City kung saan, nalinis na ang mga pangunahing kalsada pero may mga nakatambak pa ring basura sa mga iskinita.

Ang good news, naibalik na ang suplay ng kuryente gayundin ang malinis na suplay ng tubig sa lungsod. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us