Marikina Police Office, hinigpitan pa ang paglalatag ng kanilang checkpoint bilang bahagi ng kampanya kontra krimen

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaigting pa ng Marikina City Police Office ang paglalatag ng kanilang chekpoint sa lungsod bilang bahagi ng kanilang kampanya kontra krimen.

Ito’y alinsunod na rin sa naging kautusan ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil na tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa ilalim ng Bagong Pilipinas.

Mula alas-9 kagabi hanggang kaninang madaling araw, pumuwesto ang mga pulis sa bahagi ng Gil Fernando Avenue at Marcos Highway na siyang pangunahing lansangan sa lungsod.

Ayon sa Marikina Police, layon ng checkpoint na kontrahin ang mga posibleng street crimes, iwasan ang pagkalat ng loose firearms at deadly weapons.

Gayundin ang paglaban sa motorcycle riding suspects at maigting na pagpapatupad ng city ordinances. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us