Hinimok ng Department of Transportation (DOTr) ang maritime sector na makipag-ugnayan at ihanay ang kanilang mga proyekto sa iba pang ahensya ng pamahalaan at non-government organizations (NGOs) upang mas mapangalagaan ang yamang dagat ng Pilipinas.
Sa paglulunsad ng Mangroves Photo Exhibit sa National Museum of Natural History, binigyang-diin ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang kahalagahan ng kolektibong pagkilos at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor para sa pangangalaga ng karagatan.
Aniya, ang Philippine Coast Guard, Maritime Industry Authority, at Philippine Ports Authority ay dapat na makipagtulungan sa mga organisasyon tulad ng Oceana upang matiyak na ang mga proyekto ay hindi makakasama sa marine environment.
Ipinaliwanag din ni Secretary Bautista na ang Maritime Industry Development Plan (MIDP) 2028 ng DOTr ay naglalaman ng mga proyektong sumusuporta sa Blue Economy, na naglalayong balansehin ang pag-unlad ng ekonomiya at pangangalaga sa karagatan.| ulat ni Diane Lear