Maulang panahon, magpapatuloy sa Metro Manila, ilang karatig lalawigan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang magpapatuloy ang makulimlim at maulang panahon sa Metro Manila at ilang karatig nitong lalawigan.

Sa Thunderstorm Advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na inilabas kaninang 5:42 AM, maaaring maranasan ang katamtaman hanggang sa may kalakasang ulan na may pagkidlat at malakas na hangin sa Bataan, Pampanga, Metro Manila, Batangas at Zambales.

Ayon sa PAGASA, iiral ang thunderstorm sa loob dalawang oras.

Samantala, umiiral naman na ang mga pag-ulan ngayong umaga sa Bulacan (Dona Remedios Trinidad), Quezon (General Nakar, Infanta, Real, Polillo, Panukulan, Burdeos, Buenavista, San Narciso, Guinayangan), Rizal (Tanay), at Laguna (Famy, Santa Maria, Siniloan) na maaaring tumagal ng dalawang oras.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga apektadong lugar sa banta ng flash floods at landslides bunsod ng thunderstorm.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ingat sa epekto ng thunderstorm. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us