Sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Medical Clinic sa San Isidro, Makati City dahil sa iligal na operasyon.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nilabag ng Mastercare MDC Inc. ang Republic Act 3720 o mas kilala bilang Food, Drug and Cosmetic Act.
Inireklamo ito dahil sa pagbebenta ng hindi rehistradong medisina ng isang “Dr.Yu”, isang Chinese national na nakipagsabwatan sa ilang Pinoy.
Natuklasan din na walang lisensya ang health facility ayon sa sertipikasyon ng Department of Health (DOH) at nakarehistro ito sa Securities and Exchange Commission (SEC) bilang isang korporasyon.
Kabilang sa mga inimbitahan para sa imbestigasyon ng NBI ang dalawang doktor at apat na dayuhan.
Nagawa namang makatakas ang dalawang Chinese nationals na sina alias Zhihe Yu at Jingfang Wu, na nagpra-practice ng medisina sa clinic. | ulat ni Rey Ferrer