Menor de edad na hacker, sinilbihan ng cyber warrant ng PNP-ACG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natunton ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang isang menor de edad na hacker sa General Santos City.

Ayon kay PNP-ACG Director, Police Brig. Gen. Ronnie Francis Cariaga, ang 16-na taong gulang na lalaki na kinilala sa alyas “June” ang itinuturong nasa likod ng pangha-hack sa website ng ilang kumpaniya at institusyon kabilang na ang mga ahensya ng pamahalaan.

Sinilbihan ang naturang menor de edad ng tatlong Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data na inilabas ng 11th Judicial Region ng General Santos City Regional Trial Court dahil sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Nag-ugat ang naturang warrant matapos na i-post ng naturang menor de edad na hacker ang login credentials ng dalawang tauhan ng PNP sa kaniyang personal na Facebook account, dahilan para makompromiso ang kanilang mahalagang impormasyon.

Lumabas din sa malalimang imbestigasyon na sangkot din ang naturang menor de edad sa pangha-hack sa mga webiste ng ilang ahensya ng pamahalaan, gayundin ng mga pribadong kumpaniya, at paaralan matapos mapabilang sa Chat Group ng mga hacker.

Kasunod nito, nagbabala si Cariaga sa iba pang nagtatagong hacker na itigil na ang kanilang aktibidad dahil patuloy ang kanilang pagbabantay para tugisin ang mga sangkot sa iligal na online activities. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us