Nilinaw ng Manila Electric Company (MERALCO) na libre ang convenience fee para sa mga konsyumer nilang nagbabayad ng monthly bills gamit ang Bayad e-wallet.
Ito’y ayon sa MERALCO matapos makatanggap sila ng sumbong na naniningil umano ang naturang app ng convenience fee para maiproseso ang bayarin ng kanilang mga konsyumer.
Sa isang pahayag, sinabi ni MERALCO Vice President for Corporate Communications at Spokesperson Joe Zaldarriaga na nag-waive na ang Bayad e-wallet sa convenience fee at ito’y voluntary na lamang.
Binigyang-diin pa ng MERALCO na hindi sila kumikita sa paniningil ng convenience fee ng mga payment app gaya ng GCash, Maya, Visa, Mastercard, at JCB Bankcards.
Para naman sa mga nabanggit na e-payment app, may sinisingil na ₱6 hanggang ₱7 na convenience fee ang GCash at Maya, habang ₱15 naman ang sinisingil ng Visa, Mastercard, at JCB. | ulat ni Jaymark Dagala