Meralco, nilinaw na walang convenience fee sa paggamit ng Bayad e-wallet sa Meralco Online

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng Manila Electric Company o Meralco na walang convenience fee ang pagbabayad gamit ang Bayad e-wallet sa Meralco Online website at app.

Ayon kay Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga, ang Meralco ay hindi kumikita sa convenience fee na sinisingil sa mga customer na gumagamit ng ibang payment options tulad ng GCash, Maya, at mga credit card.

Ani Zaldarriaga, ang convenience fee para sa ibang providers ay napupunta sa kanilang mga payment partners.  Hindi aniya sila kumikita kahit isang sentimo mula sa mga convenience fee na ito, taliwas sa mga maling pahayag.

Paliwanag pa ng opisyal ang mga convenience fee na ito ay sinisingil ng mga bangko at card networks, at pinoproseso lamang ng Meralco.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us