Walang itatakdang sektor na bibigyan ng prayoridad sa Rice-For-All Program na ilulunsad ng Department of Agriculture (DA).
Sa ilalim ng nasabing programa, inaasahang makabibili ang publiko ng well-milled rice sa halagang ₱45 hanggang ₱48 kada kilo.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Arnel De Mesa, kahit ang mga benepisyaryo ng ₱29 Program ay maaaring makabili ng bigas sa Rice-For-All Program.
Nasa 25 kilos ang limit ng itinakda ng DA sa Rice-For-All Program, habang mananatili naman sa 10 kilos ang limit para sa ₱29 Program.
Nauna nang sinabi ni Asec. De Mesa na pinaplantsa pa ng DA ang ilang detalye para sa pagsisimula ng Rice-For-All Program o pagbebenta ng mas murang bigas sa publiko ngayong linggo. | ulat ni Diane Lear