Tatlumpu’t isang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ang nabigyan ng trabaho sa ginanap na “4Ps Trabaho Caravan” sa Zamboanga City.
Ang job fair ay inorganisa ng Department of Social Welfare and Development Field Office-9 at may 700 job vacancies ang inaalok dito.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao,ang 4Ps Trabaho Caravan ay exclusive lamang para sa mga mga benepisyaryo ng 4Ps.
Isinagawa nila ito sa pakikipagtulungan na rin ng Department of Labor and Employment, Technical Education and Skills Development Authority at ng City Government ng Zamboanga sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO).
Ang 4Ps ay isang poverty alleviation program ng DSWDna naglalayong wakasan ang kahirapan sa bansa.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 4.3 million household-beneficiaries sa bansa ang nakakatanggap ng conditional cash grants sa ilalim ng programa. | ulat ni Rey Ferrer
📷 DSWD IX FB