Mga benepisyaryo ng 4Ps, tumulong sa pag-repack ng relief goods para sa mga apektado ng bagyong Carina at habagat

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatuwang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-NCR) ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na tumulong sa pag-repack ng family food packs na ilalaan sa mga apektado ng bagyong Carina at habagat.

Ayon sa DSWD, bahagi ito ng augmentation para mapabilis ang paghahatid ng tulong sa mga apektadong lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Ang mga benepisyaryo ay makatatanggap naman ng cash-for-work, na layong magbigay ng pansamantalang trabaho sa mga distressed o displaced na indibidwal sa pamamagitan ng paglahok sa mga proyekto at aktibidad na naglalayong bawasan ang epekto ng sakuna sa kanilang mga komunidad.

Sa pinakahuling tala ng DSWD, sumampa na sa isang milyong family food packs ang naipamahagi nito sa mga apektado ng nagdaang kalamidad kung saan aabot sa higit 170,000 ang nailaan sa NCR. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us