Mga dating opisyal ng AFP at PNP, nagtipon-tipon ngayong araw para suportahan ang panawagang pagkakaisa ng Administrasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagtipon-tipon ang mga dating opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Club Filipino sa San Juan City ngayong araw.

Ito’y para ipahayag ang kanilang pagsuporta sa panawagan ng pagkakaisa gayundin ng kabayanihan sa gitna ng mga kasalukuyang hamon na kinahaharap ng bansa.

Dito, sama-samang nagpahayag ng suporta ang mga dating opisyal ng AFP at PNP sa panawagan ng administrasyong Marcos Jr. na magkaisa at sariwain ang diwa ng kabayanihan.

Sa gitna na rin ito ng mga hamong kinahaharap ng Pilipinas partikular na ang agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea at ang pambu-bully ng China Coast Guard sa mga tropa ng militar sa kanilang pagsasagawa ng re-supply mission sa Ayungin Shoal. | ulat ni Jaymark Dagala

Kabilang sa mg dumalo sina dating AFP Chief of Staff, Gen. Eduardo Oban; dating AFP Chief of Staff at dati ring PDEA Director, Dionisio Santiago; dating Navy Flag Officer-in-Command, VAdm. Alexander Pama; dating CIDG Director, PMGen. Samuel Pagdilao; dating Col. Ariel Querubin at iba pa

Kasabay nito, nagpahayag din ng suporta ang mga dating opisyal ng Militar at Pulisya sa isinusulong na causa ni Col. Ariel Querubin na isang medal of valor at dating Commander ng Western Command

Sinabi ni Querubin, na ang ginagawang panggigipit ng China sa West Philippine Sea ay isang malaking banta sa soberenya ng bansa at ang pamamayagpag ng POGO ay siyang naka-aaapekto ng husto sa mga komunidad. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us