Mga estudyante ng Batasan Hills Nat’l High School, back-to-school na ngayong umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik eskwela na ngayong Lunes, July 29, ang mga estudyante ng Grade 7-10 at 12 sa Batasan Hills National High School.

Pagpatak ng alas-5:30 ng umaga sinimulan ang flag raising ceremony at Zumba para sa mga estudyante bago ang morning class mula 6am-12nn.

Tinutukan ito ni Dr. Carleen Sedilla, Schools Superintendent ng Quezon City Schools Division Office kasama si Principal Joseph Palisoc.

Ayon kay Dr. Sedilla, nasa higit 15,000 na ang naka-enroll sa naturang paaralan na isa sa pinakamalaki sa buong QC.

Dahil dito, hindi na tumanggap ngayong school year ng Grade 11 students ang BHNHS para ma-decongest ang paaralan.

Handang handa naman na ang BHNHS para sa pagbabalik ng mga estudyante na naglatag din ng Help Desks para sa mga nalilito pa kung saan ang classroom at section.

Ngayong araw, inaasahang may pyschological fist aid sa unang oras ng klase para sa mga estudyante lalo na sa mga nasalanta ng bagyong Carina.

Nakatutok na rin ang Quezon City Schools Division Office sa lagay ng 15 eskwelahang ginamit na evacuation center o nasalanta ng habagat na pinalakas ng bagyong Carina. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us