Nagbuklod-buklod na ang ilang government agencies at local government units para tugunan ang isyu sa mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operations at Scam Farms sa bansa.
Sa ginanap na pulong sa Clark Freeport Zone na inorganisa ng Department of the Interior and Local Government, dumalo si PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, kasama ang Central Luzon police unit commanders at Local Chief Executives.
Sa nasabing pulong, iginiit ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang mahalagang papel ng mga local government units sa pag-regulate at pangangasiwa sa mga operasyon ng POGO.
Giit naman ni Chief PNP Marbil ang commitment ng PNP sa pagsuporta sa mga LGU sa kanilang regulatory functions.
Binigyang-diin ng mga session na ito ang sama-samang pangako ng iba’t ibang ahensya na labanan ang mga iligal na POGO at scam farm, na layong matiyak ang ligtas na kapaligiran para sa lahat.| ulat ni Rey Ferrer