Mga isyu sa agri sector, tinutugunan na ni Pres. Marcos Jr. — DA Sec. Tiu-Laurel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel ang mga direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) para sa sektor ng agrikultura.

Ayon sa kalihim, makailang beses na tinalakay sa SONA ng Pangulo ang mga isyung kinahaharap ng sektor, na malinaw na indikasyong importante at nakatutok ang Presidente sa agrikultura.

Ilan lang sa binanggit sa SONA ang Kadiwa Store na ayon kay Sec. Tiu-Laurel ay palalakasin at pararamihin pa sa administrasyong Marcos.

Naghahanda na rin aniya ang DA na ipatupad ang tinukoy ni Pangulong Marcos na pre-border technical verification at cross-border electronic invoicing ng import commodities.

Sa sektor naman ng fisheries, bagamat hindi naisama sa SONA, tiniyak ng Sec. Tiu-Laurel na nakalatag na rin ang plano rito ng pamahalaan partikular sa pagpapalago ng seaweed industry at ng aquaculture.

Naniniwala ang kalihim na naiparating ng Pangulo sa kanyang SONA ang lahat ng mahahalagang usapin para sa pag-angat ng sektor ng agrikultura sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us