Pinababantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga awtoridad ang mga residente mula sa mga komunidad na stranded o isolated dahil sa mga pagbaha at malakas na ulan bunsod ng bagyong Carina.
Sa situation briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, July 24, sinabi ng Pangulo na mahalaga ito, upang agad na mapaabutan ng tulong ang mga stranded na residente.
Kailangang agad na matukoy kung saan ang mga lugar na ito at ilan ang apektadong mga residente.
Kritikal ang sitwasyong ito, ayon sa Pangulo.
Dapat aniya, handa na ang kagamitan, pagkain, at iba pang assistance ng mga ito, upang sa oras na humupa na ang tubig-baha o ligtas nang mapasok ang mga komunidad, agad na makakakilos ang pamahalaan. | ulat ni Racquel Bayan