Mga konkretong plano, proyekto at legasiya ng administrasyon nais madinig ni Sen. Alan Peter Cayetano sa SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan ni Senador Alan Peter Cayetano na magbibigay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ng konkretong utos nito kaugnay ng kanyang mga plano, proyekto at nais na iwang legasiya ng kanyang administrasyon.

Pinaliwanag ni Cayetano, kadalasang ang ikatlo o ikaapat na SONA ng Pangulo ang panahon na pinakamalakas ang liderato ng isang punong ehekutibo.

Kaya naman ito aniya ang pagkakataon na dapat sabihin ni Pangulong Marcos ang mga bagay na nais nitong mangyari sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Kabilang naman sa mga personal na nais madinig ni Cayetano sa SONA ni Pangulong Marcos ay ang kaugnay sa pagkakaroon ng isang extensive subway system na nasimulan na ng nakaraang administrasyon.

Dinagdag rin ni Cayetano, na kailangan na ring pukpukin ang mga long term o pang matagalang plano ng administrasyon patungkol sa imprastraktura.

Ito ay para maramdaman aniya agad ng Marcos administration ang tagumpay nito, at hindi na maipasa pa sa susunod na mamumuno sa bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us