Mga lalabag sa batas sa SONA ni Pres. Marcos Jr, huhulihin ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na kanilang ipatutupad ang nasasaad sa batas.

Ito’y sa sandaling magpumilit ang mga raliyista na lumagpas sa bahagi ng Diliman Doctors Hospital na siyang itinakdang hangganan ng Pulisya para sa mga ito sa Northbound lane ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ayon kay Security Task Force SONA 2024 Commander at NCRPO Director, Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr., bagaman iginagalang nila ang kalayaan sa pamamahayag ng sinuman, malinaw naman ang nasasaad sa batas ng mga ipinagbabawal.

Kaya naman, iginiit ng Pulisya na sinumang lalabag dito ay tiyak na mapaparusahan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us