Nakipagpulong si Senate President Chiz Escudero sa mga lider ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa naturang pagpupulong ay binigyang diin ni Escudero ang pangangailangan na angismong taga BARMM ang bumoto ng kanilang mga lider.
Ito ay para aniya magkaroon ng accountability ang mga lider sa kanilang mga nasasakupan.
Sa eleksyon sa susunod na taon, sa unang pagkakataon ay boboto ang mga taga BARMM ng sarili nilang mga lider.
Hindi na ito didiktahan ng national government.
Pinahayag naman nina Governor Adbusakur Mahail Tan o Sakur Tan na sana ay matutuloy na talaga ang kanilang eleksyon.
Pero sa ngayon ay wala naman aniyang humihiling ng extension ng magiging eleksyon.
Binigyang diin ni Tan na mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nagsabi sa SONA nito kahapon na handa na at dapat nang magkaroon ng eleksyon sa BARMM.| ulat ni Nimfa Asuncion