Pinauuna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa concerned government agencies ang pagpapaabot ng kailangang asiste sa mga lugar na mahirap abutan ng tulong.
Sa media interview sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi ng Pangulo na dapat mabigyang prayoridad ang mga isolated areas.
Kaugnay nito ay pinamamadali rin ng Pangulo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasagawa ng clearing operations sa mga daan at tulay na hindi madaanan ng mga motorista.
Pati aniya ang DSWD sabi ng Chief Executive ay kanya nang binigyan ng direktiba para sa ikakasang tulong sa mga apektadong residente.
Sa kabuuan ay kuntento naman si Pangulong Marcos sa ginagawang hakbang ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa gitna ng nararanasang masamang panahon na dulot ng bagyong Carina at habagat. | ulat ni Alvin Baltazar