Mga mamimili, maagang pumila para sa ₱29 kada kilong bigas sa tanggapan ng BAI sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakaabang na ang mga mamimili sa tanggapan ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa Visayas Avenue, Quezon City para sa bentahan ng murang bigas sa ilalim ng ₱29 Program.

Kasama ito sa 10 pilot Kadiwa sites na bahagi ng malawakang implementasyon ng ₱29 Program na layong magbigay ng de-kalidad na bigas sa halagang ₱29 kada kilo sa mga miyembro ng 4Ps, solo parent, at senior citizen.

Isa sa mga maagang pumila dito sa BAI ang senior citizen na si Mang Dominador, na bumiyahe pa mula sa Fairview.

Bitbit nito ang kanyang senior citizen ID card at pati na ecobag na paglalagyan nito ng bibilhing bigas.

Ayon sa kanya, malaking tulong para sa kanilang mahihirap ang alok na murang bigas sa Kadiwa.

Si Nanay Lorenza, nagpapasalamat rin na mas malawak na ngayon ang bentahan ng murang bigas dahil dadami rin aniya ang makikinabang dito.

Nakatakdang pangunahan ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary DV Savellano kasama ang mga opisyal ng BAI ang pormal na paglulunsad ng ₱29 sa BAI dome. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us