Hinihintay na lamang ng Housing Department ang pag-pirma ni Housing Secretary Rizalino Acuzar sa bagong guidelines ng Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP) ng tanggapan, upang mapasama na rin ang mga partially damage na bahay, sa mga maaaring makatanggap ng tulong.
Mula kasi sa paggulong ng programa, tanging totally damage houses lamang ang nakakatanggap ng assistance mula sa departamento, na nagkakahalaga ng PhP15, 000.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni ni Usec. Randy Escolangco na sa oras na maaprubahan ang bagong guidelines, patataasin ang halaga ng assistance na ito, at ipabibilang na sa coverage ang mga partially damage houses.
Kailangan lamang aniyang dumulog ang head of household sa kanilang Local Housing Board, at dapat ay wala pang tinatanggap na anomang shelter assistance sa anomang ahensya ng gobyerno tulad ng NHA at DHSUD.
Sa kasalukuyan aniya, hindi bababa sa 1, 000 ang partially damage houses at 130 ang totally damaged houses dahil sa Bagyong Carina at nadadagdagan pa ito, sa pagpapatuloy ng assessment ng mga otoridad. | ulat ni Racquel Bayan