Mga naapektuhan ng sama ng panahon 1.3 milyon na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lagpas na sa 1.3 milyon ang bilang ng mga naapektohan ng pinagsamang epekto ng Southwest Monsoon, bagyong Butchoy at Carina.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, ang mga apektado ay mula sa 1,596 barangay sa Regions 1, 2, 3, 5, 6, 7, 9, 10, 11, 12, CALABARZON, MIMAROPA, CARAGA, BARMM, CAR, at NCR.

Mula sa nabanggit na bilang, 53,414 na pamilya o katumbas ng halos 212,000 indibidwal ang nananatili sa 820 evacuation center habang ang nasa mahigit 675,000 katao ay mas piniling manatili sa kani-kanilang tahanan o makituloy sa kamag-anak.

Sa datos pa ng NDRRMC, 14 ang bilang ng mga nasawi, kung saan 8 dito ang kumpirmado, habang 6 ang patuloy pang beneberipika.

Nakapagtala din ang NDRRMC ng 2 sugatan at 2 nawawala.

Samantala, nasa ₱61-million na ang halaga ng tulong na naipamahagi ng pamahalaan sa mga apektadong rehiyon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us